
-PBBM, iniulat ang ginawang mga aksyon ng pamahalaan sa isyu ng anomalya sa flood control projects
-ICI, may bagong rekomendasyon sa ombudsman kaugnay ng flood control projects anomaly
-4.5 milyong indibidwal, naapektuhan ng bagyong Uwan

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways ang pagkasawi ng Bids and Awards Committee Chairman ng Sorsogon 1st District Engineering Office na si Engineer Larry Reyes.

Sa muling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa flood control scandal sa Biyernes, November 14, sinabi ni Senator Imee Marcos na maaaring may mga testigong magre-recant o babawiin ang kanilang salaysay, at babaliktad mula sa kanilang mga unang naging testimonya.

Nagpahayag ang Philippine National Police ng buong pakikiisa sa Independent Commission for Infrastructure upang labanan ang mga "ghost project" sa bansa. Ito ang pagtitiyak ni PNP Acting Chief, PLTGEN. Jose Melencio Nartatez Jr.

Tukoy na ng Independent Commission for Infrastructure kung alin sa mga sumbong kaugnay ng anomalya sa flood control projects ang kanilang tututukan. Pangunahin anila dito ang top 15 contractors na pinangalanan noon ni PBBM.