Tumaas ang tensyon sa Kongreso ng Estados Unidos sa pagitan ng ilang mambabatas at mga opisyal ng Immigration and Customs Enforcement o ICE sa gitna ng pagdinig kaugnay ng immigration crackdown na ipinatutupad ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump.
Una nang binatikos ng publiko ang nasabing programa ng pamahalaan matapos ang pagkasawi ng ilang sibilyan sa gitna ng mga operasyon.






















