Dumating na sa Estados Unidos si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu para sa muli nitong pakikipagpulong kay U.S. President Donald Trump.
Magaganap ang pulong sa gitna ng umiigting na tensyon sa pagitan ng U.S. at Iran kaugnay ng nuclear capability ng Tehran na nais pigilin ng Washington.






















