
Patuloy ang pangangalap ng ebidensya ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng flood control projects anomaly.
Ayon sa komisyon, kabilang sa bagong natuklasan ang pagkakasangkot ng 3 pang senador, na inaasahang papangalanan sa kanilang interim report sa susunod na linggo.

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may mga makukulong na sangkot sa flood control projects anomaly bago matapos ang taon. Ayon sa Pangulo, handa rin siyang kanselahin ang pasaporte ni dating congressman Zaldy Co kung may sapat na batayan para rito.

Bubuksan na ang US government matapos pumasa ang funding bill sa House of Representatives ngayong gabi.
Anim sa mga Democratic representatives ang sumama sa mga Republicans upang bumoto sang-ayon sa continuing resolution ng US funds.

Aabot sa 37 ang nasawi matapos mahulog ang isang bus sa bangin sa bulubunduking rehiyon ng Arequipa sa South Peru.
Ayon sa lokal na awtoridad, 36 ang nasawi sa lugar mismo ng insidente habang isa ay nadala pa sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Isang terror attack ang sanhi ng car blast sa Delhi nitong Lunes na ikinasawi ng walo at ikinasugat ng dalawampung indibwal.
Kinumpirma ito ni Indian Prime Minister Narendra Modi sa isang pulong kasama ang kaniyang gabinete.