
Iginagalang ng Malacañang ang Senado at China sa kanilang karapatang magsalita.
Sa kabila ng tila “word war” sa pagitan ng ilang senador at opisyal ng Chinese Embassy, iginiit ng Palasyo na hindi nagbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.

Nanindigan ang Makabayan bloc na publiko ang huhusga kung pareho ang gagawing pagtrato ng Kamara sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte at sa mga reklamong inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay matapos tiyakin ng tagapanguna ng House Justice Panel na ang parehong approach na ginamit sa PBBM impeachment complaints ay gagamitin din sa mga reklamo laban sa bise presidente.

Maraming senador ang pipirma sa Senate Blue Ribbon Committee report kaugnay ng imbestigasyon sa flood control scandal, ayon kay Sen. Erwin Tulfo.
Gayunman, sinabi ng senador na may mga reserbasyon ang ilan sa mga pipirma. Nilinaw rin niya na wala siyang sinabi sa simula na magsasampa ng kaso ang komite.

Nanindigan si Ombudsman Crispin Remulla na hindi lang nakaasa ang kanyang tanggapan sa isusumiteng report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng flood control scam.
Ayon kay Remulla, tila politika ang dahilan ng naging pagrebisa sa Blue Ribbon report.

-PBBM, ligtas na sa impeachment sa loob ng isang taon
-Chinese Embassy Spox Ji Lingpeng at ilang senador, nagpalitan ng pahayag
-Mga eksperto sa batas at konstitusyon, hati ang pananaw sa mga panukala vs. political dynasty