Back

UNTV News and Rescue

3:42
Politics

Konstruksyon ng Metro Manila Subway, posibleng maagang matapos - PBBM

February 13, 2026 9:10 PM
PST

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Metro Manila Subway project.

Ayon kay Pangulong Marcos, tuloy-tuloy na ang pagpapatupad ng kauna-unahang subway system sa bansa dahil 100% nang nalutas ang right of way issue kaugnay ng proyekto.

2:38
Politics

SP Sotto, inireklamo sa Korte Suprema ng indirect contempt dahil sa pahayag sa impeachment ni VP

February 13, 2026 8:41 PM
PST

Sinampahan ng reklamong indirect contempt sa Korte Suprema kanina si Senate President Vicente 'Tito' Sotto III.

Kaugnay ito ng kanyang mga pahayag laban sa Korte Suprema dahil sa desisyon ng hukuman sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

3:26
Politics

DFA, 'di magpapa-apekto sa mga umano'y "self-styled experts" sa foreign policies

February 13, 2026 8:35 PM
PST

Nanindigan ang bagong talagang spokesperson ng Department of Foreign Affairs for Maritime Affairs na hindi sila magpapa-impluwensya sa ingay ng mga diskusyon pagdating sa ugnayang panlabas ng bansa.

Kaugnay nito, tiniyak din ng tagapagsalita na patuloy ang ugnayan ng Pilipinas at China sa kabila ng nangyaring mainit na palitan ng pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan at ng Chinese Embassy sa bansa.

1:16
Crime & Investigation

Mga pulis na kinasuhan kaugnay ng hazing sa welcome rites sa Lamitan City sa Basilan,umabot na sa 57

February 13, 2026 8:31 PM
PST

Umabot na sa 57 ang mga kinasuhan kaugnay ng welcome rites sa mga bagong pulis sa Lamitan City, Basilan.

3:53
Crime & Investigation

Ambulansiya na ginagamit umanong shuttle service, nahuli sa EDSA Busway

February 13, 2026 8:30 PM
PST

Pinaplano na ng Land Transportation Office na magsagawa ng pagbeberipika sa isang emergency vehicle matapos mahuli ang isang ambulansiyang dumaan sa EDSA Busway na napag-alamang ginagamit lamang umano bilang shuttle service.

Samantala, mahigit 300 colorum na sasakyan ang nahuli ng LTO matapos ang 3-day One Time Big Time operation sa bansa na isinagawa noong Lunes hanggang nitong Miyerkules.