
Hindi na kakasuhan ang driver ng kotse na nakabundol sa estudyanteng tumalon mula sa Fernando Poe Jr. Station ng Light Rail Transit Line 1 noong February 11.
Ayon kay Quezon City Police District Director Police Brigadier General Randy Glen Silvio, may proseso lamang na kailangang sundin ang pulisya kaya dinala ang driver sa presinto.

Napangiti lamang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang biruin ng singer-actress na si Sharon Cuneta-Pangilinan tungkol sa maling pagpili ng kanyang running mate noong 2022 Presidential elections.
Nangyari ito sa isang event na dinaluhan ng pangulo at ni First Lady Liza Marcos kung saan kumanta ang Megastar.

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na may nagawang impeachable offense si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ngunit ayon sa Malacañang, dapat unahin muna ng Bise Presidente ang pagharap sa sarili niyang mga kaso kaysa ang impeachment complaint laban sa pangulo.

- Pagpapatayo ng 2 bagong Metro Manila Subway stations, pinasinayaan ni PBBM
- Kumpanya na konektado kay Rep. Leviste na Solar Philippines, bigong makapagbayad ng multa
- 500 na umano’y biktima ng war on drugs, nag-apply sa ICC upang makilahok sa pre-trial vs FPRRD

Kinumpiska ng mga awtoridad ng Japan ang isang Chinese fishing vessel na pumasok sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Japan malapit sa Nagasaki prefecture.