
Tinawag na mahina ng isang senador ang mga kabataan ngayon.
Isa sa itinuturo niyang dahilan ay ang sobrang exposure sa social media.
Ngunit, ano nga ba ang nagiging sanhi ng mental health issues nila at paano ito maiiwasan?

Hinangaan ng netizens ang mga estudyante ng isang paaralan sa Baguio City dahil sa pagiging kalmado kahit pa lumilindol.
Upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa pagtugon sa oras ng sakuna, sumailalim ang mga ito sa isang modified training ng UNTV News and Rescue sa kahilingan ng kanilang school principal.

Tinawag na triple hearsay ni House Public Accounts Chairperson at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ang mga alegasyong may record ng text messages sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Palace official Undersecretary Adrian Bersamin kaugnay ng umano’y kickback sa budget insertions.
Dagdag pa niya, dapat ang dating opisyal ang magpaliwanag at magbigay-linaw sa seryosong isyung ito.

Ipinauubaya na ngayon ng Department of Energy sa law enforcement agencies ang isyu kaugnay ng kontrata ng kumpanyang pagmamay-ari ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste.
Kasunod ito ng hindi pagbabayad ng kumpanya ng multa na umaabot na sa P24-B.

Sinimulan ngayong araw ang rollout ng mas pinalawig na murang bigas program ng pamahalaan. Nasa P19-B ang inilaang pondo ng Department of Agriculture sa programa ngayong taon.
Gayunman, may limit pa rin sa pwedeng mabili ng bawat beneficiary kada buwan.