
Naghahanda na ang ilang pribadong grupo para sa ikalawang Trillion Peso March Rally sa darating na November 30.
Iginiit ng Trillion Peso March Movement at Catholic Bishops Conference of the Philippines na wala silang planong pabagsakin ang pamahalaan.
Tiniyak din nila na hindi sila susuporta sa anumang paggamit ng militar o hakbang na labag sa konstitusyon.

Balak umano ng ilang retired police at military officers na magsagawa ng civil-military junta.
Kinumpirma ito mismo ni Senator Panfilo Lacson matapos siyang makatanggap ng imbitasyon mula sa grupo.
Plano aniya ng ilang partisan group na pabagsakin ang gobyerno.

Hinamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si resigned Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na umuwi ng Pilipinas at harapin ang kanyang mga kaso.
Ito ang tugon ni PBBM sa panibagong akusasyon ni Co laban sa kanya.
Binigyang-diin ng pangulo na masyado nang mahaba ang usapan ukol sa fake news.

Naglabas ang nagbitiw na kongresistang si Zaldy Co ng listahan ng umano’y male-maletang perang idiniliver umano kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at former Speaker, Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.
Para naman kay Navotas City Rep. Toby Tiangco, hearsay lamang ang mga pahayag ni Co.

Hawak na ng mga pulis ang 8 sa 16 na akusadong may arrest warrant kaugnay ng maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro.
Ayon sa pamunuan ng Philippine National Police, isa sa kanila ang kusang sumuko habang 6 ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.
Naaresto naman ng National Bureau of Investigation ang isa pang akusado.