Nanindigan ang bagong talagang spokesperson ng Department of Foreign Affairs for Maritime Affairs na hindi sila magpapa-impluwensya sa ingay ng mga diskusyon pagdating sa ugnayang panlabas ng bansa.
Kaugnay nito, tiniyak din ng tagapagsalita na patuloy ang ugnayan ng Pilipinas at China sa kabila ng nangyaring mainit na palitan ng pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan at ng Chinese Embassy sa bansa.






















