Back

Asher Cadapan Jr.

2:43
Politics

Arrest warrant vs contractors, pipirmahan kung 'di pupunta sa Senado — SP Chiz Escudero

August 26, 2025 8:37 PM
PST

Ipaaresto ng Senado ang mga contractor ng mga flood control projects na hindi dadalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ito ang inihayag ni Senate President Francis Escudero matapos hindi dumalo ilan sa mga kontratista sa unang pagdinig ng Senado kaugnay ng katiwalian sa mga naturang proyekto.

Sinabi naman ni Sen. Raffy Tulfo na dapat ipatawag din ang mga sangkot na district engineer ng DPWH.

Dinepensahan naman ni Sen. Imee Marcos ang ilang magagaling na DPWH officials, ngunit aniya, pinakikialaman lang ang mga ito ng mga pulitiko.

4:41
Politics

PGen. Torre, posibleng may nasagasaan kaya biglang natanggal bilang PNP Chief – Sen. Bato

August 26, 2025 8:34 PM
PST

Posibleng may nasagasaan at lumagpas sa kaniyang hawak na otoridad.

‘Yan ang tinitingnang dahilan ng dalawang senador na naging hepe din ng Pambansang Pulisya sa biglang pagtanggal kay PGen. Nicolas Torre III bilang PNP Chief.

Itinanggi naman ni Sen. Imee Marcos na may kinalaman siya na nangyaring pagbabago sa liderato ng PNP.

2:00
Politics

DPWH Sec. Bonoan, ignorante o sadyang nililigaw ang publiko sa flood control projects — Sen. Lacson

August 26, 2025 2:41 PM
PST

Binweltahan ni Sen. Panfilo Lacson si Sec. Manuel Bonoan ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Ayon sa senador, ignorante o sadyang nililigaw ng kalihim ang publiko kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.

2:50
No items found.

PGen. Torre, lumagpas sa kanyang otoridad bilang hepe ng PNP – Sen. Lacson

August 26, 2025 1:58 PM
PST

Naglabas ng pahayag ang ilang senador kaugnay ng pagkakatanggal sa pwesto ni PGen. Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police.

Pangunahin na dito si Sen. Panfilo Lacson na dating nagsilbi bilang Chief PNP.

3:25
Politics

Powerful contractor, posibleng nasa likod ng panunuhol kay Rep. Leviste – Sen. Lacson

August 25, 2025 8:05 PM
PST

Posibleng isang mas makapangyarihang contractor ang nasa likod ng tangkang panunuhol kay Batangas First District Rep. Leandro Leviste.

Ito ang pahayag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson matapos maaresto ang isang District 1 engineer ng Department of Public Works and Highways sa Batangas.

Gayunman, binigyang-diin ng senador na dapat ding pag-aralang mabuti ang usapin kaugnay ng zero budget para sa flood control projects sa susunod na taon.