
Nangalahati na ang mga transaksyon sa online gambling matapos alisin ang mga link nito sa mga electronic o e-wallet app.
Ito ay ayon sa pahayag na inilabas ng opisina ni Senador Alan Peter Cayetano, Chairperson ng Banks, Financial Institutions and Currencies.

Isinusulong ni Senador Bam Aquino, Chairperson ng Senate Committee on Science and Technology, ang pagsali ng mga pinoy scientists para sa isang science-based flood control project.
Sa gitna ito ng isyu ng mga anomalya sa mga proyekto para sa flood control habang patuloy ang paglala ng mga pagbaha sa iba't ibang lugar sa bansa.

Ipatatawag sa Senado ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways maging ang ilang mga taga-Commission on Audit na sangkot umano sa anomalya sa flood control projects.
Ito ang tiniyak ni Senate President pro tempore Jinggoy Estrada sa gitna ng imbestigasyon na isinagawa ng Senado sa naturang isyu.

Garapal na sistema sa hatian ng maanomalyang proyekto—ganito isinalarawan ni Senador Panfilo Ping Lacson ang korapsyon na nagtatago sa likod ng flood control projects ng pamahalaan.
Pinangalanan rin niya ang ilang sangkot sa anomalya sa mga naturang proyekto.

Idinetalye ni Sen. Panfilo Lacson ang hatian sa pondo ng maanomalyang flood control projects batay sa kaniyang sariling imbestigasyon.
Pinangalanan rin nito ang ilang sangkot sa anomalya sa mga naturang proyekto.