
Kinwestyon sa pagdinig sa Senado ang naantalang pamamahagi ng pensyon para sa mga senior citizen batay sa ulat ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Pinuna din ang kawalan ng free wheelchair at salamin para sa matatanda ng PhilHealth.

Tiniyak ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan na parurusahan ang mga sangkot sa mapapatunayang ghost projects.
Samantala, naniniwala naman si Senator Erwin Tulfo na hindi kailangang magbitiw ang kalihim habang iniimbestigahan ang flood control projects

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways sa pagdinig ng Senado na may mga ghost flood control project.
Kinuwestyon din ng Senate Blue Ribbon Committee ang ilang ahensya kaugnay ng mga proyektong inilaan sa mga lugar na hindi naman binabaha.

Isasagawa na ngayong araw ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng mga anomalya umano sa flood control projects.
Inimbitahan sa Senate hearing ang ilang mga ahensya na pangunahing responsable sa mga naturang isyu.

Dapat pangalanan ang mga opisyal at indibidwal na sangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects ng gobyerno.
Ito ang panawagan ni Senate Deputy Minority Leader Juan Miguel Zubiri kaugnay ng nakatakdang pagdinig sa Senado.
Suportado rin ng senador ang pagsasagawa ng joint investigation ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mabigyang-linaw ang isyu.