Ipaaresto ng Senado ang mga contractor ng mga flood control projects na hindi dadalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ito ang inihayag ni Senate President Francis Escudero matapos hindi dumalo ilan sa mga kontratista sa unang pagdinig ng Senado kaugnay ng katiwalian sa mga naturang proyekto.
Sinabi naman ni Sen. Raffy Tulfo na dapat ipatawag din ang mga sangkot na district engineer ng DPWH.
Dinepensahan naman ni Sen. Imee Marcos ang ilang magagaling na DPWH officials, ngunit aniya, pinakikialaman lang ang mga ito ng mga pulitiko.