Inaasahan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na kasali si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sarili nitong utos na lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.
Handa rin ang senadora na isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), lalo na kung kasama ang Senate minority bloc.

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na may plano sa posibleng repatriation ng halos 170,000 overseas Filipino workers mula sa Taiwan.
Ito ay kung sakaling tumaas ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at China.

Inirekomenda sa Senado ang interagency coordination laban sa blacklisted contractors sa gitna ng usapin ng mga anomalya sa flood control projects.
Pinuna rin sa Senado ang halos P20-B na taunang pondo para tiyakin ang kalidad ng mga proyekto sa Department of Public Works and Highways.

Siniyasat ni Senador Panfilo Lacson kung ano na ang nagawa at bagong impormasyon na nakalap ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan matapos ang serye ng mga pag-aresto sa mga hinihinalang spy o espiya sa bansa.
Kabilang na dito ang mga hinihinalang espionage activity malapit sa Malacañang noong Pebrero at tanggapan ng Commission on Elections noong Abril.