Siniyasat ni Senador Panfilo Lacson kung ano na ang nagawa at bagong impormasyon na nakalap ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan matapos ang serye ng mga pag-aresto sa mga hinihinalang spy o espiya sa bansa.
Kabilang na dito ang mga hinihinalang espionage activity malapit sa Malacañang noong Pebrero at tanggapan ng Commission on Elections noong Abril.