
Naglabas ng pahayag ang ilang senador kaugnay ng pagbabago sa liderato ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Suportado rin ng mga miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang itinalagang bagong kalihim ng ahensya.

Naglabas ng pahayag ang ilang senador kaugnay ng pagbabago sa liderato ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Suportado rin ng mga miyembro ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang bagong itinalagang kalihim ng ahensya.

Mga kontratista rin ang dalawang direktor at mga board member ng Philippine Contractors Accredidation Board o PCAB.
Ito ang kinumpirma ng Chairperson ng PCAB sa pagdinig ng Senado kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects sa ilalim ng DPWH.
Isa sa mga contractor ng mga naturang proyekto ang umamin na may mga kumpanya silang sabay-sabay na lumalahok sa bidding para sa isang kontrata ng DPWH, habang ang isa pang kontratista ay maaaring maharap sa 42 plunder cases dahil sa flood control anomaly.

Dapat isailalim sa lifestyle check ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno, appointed man o elected.
Ito ang posisyon ni Senador Juan Miguel Zubiri matapos iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng lifestyle check sa government officials.

Naghain ng ethics complaints sa Senado ang kampo ni Atty. Ferdinand Topacio laban kay Sen. Risa Hontiveros.
Tinawag naman ng senadora ang reklamo na recycled lies at harassment sa kaniya.