Posibleng isang mas makapangyarihang contractor ang nasa likod ng tangkang panunuhol kay Batangas First District Rep. Leandro Leviste.
Ito ang pahayag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson matapos maaresto ang isang District 1 engineer ng Department of Public Works and Highways sa Batangas.
Gayunman, binigyang-diin ng senador na dapat ding pag-aralang mabuti ang usapin kaugnay ng zero budget para sa flood control projects sa susunod na taon.