Sugatan ang isang tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources matapos tamaan ng bubog dahil sa nabasag na salamin ng BRP Datu Gumbay Piang, matapos itong targetin ng water cannon ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc kahapon ng umaga.
Na-damage din ang ibang bahagi ng barko dahil sa lakas ng water cannon. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy ng BFAR at PCG ang pamamahagi ng tulong sa mga mangingisda sa lugar.