Naniniwala si House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima na lalo pang lumiit ang mundo ng mga umano’y kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng anti-drug campaign nito.
Kasunod ito ng inilabas na dokumento ng International Criminal Court o ICC kung saan pinangalanan ang umano’y co-perpetrators ng dating pangulo sa kasong crimes against humanity na kinakaharap nito.






















