Tiniyak ng Philippine Navy na mahigpit pa rin ang seguridad sa Malampaya gas field matapos matuklasan ang panibagong natural gas sa Malampaya East-1.
Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, matagal nang binabantayan ang lugar ng joint task force Malampaya sa ilalim ng Western Command.






















