Dalawang pasyente sa magkahiwalay na operasyon ang tinulungan ng UNTV News and Rescue.
Sa Antipolo City, agad nabigyan ng paunang lunas ang isang senior citizen matapos mahirapang huminga at manghina.
Samantala, isang lalaking dumaranas ng matinding pananakit sa kaliwang tuhod ang dinala rin ng team sa ospital sa Quezon City.

























