Wala pang naitatala o nadidiskubreng bagong kaso ng Nipah virus sa Pilipinas sa kabila ng tumitinding pangamba ng publiko bunsod ng outbreak sa India.
Ngunit pagtitiyak ng Department of Health, handa ang Pilipinas sa naturang virus at iba pang nakahahawang sakit.

























