Isinusulong ng Department of Health ngayong buwan ng Abril ang kahalagahan ng regular na medical check-up para sa lahat ng indibidwal, lalo na sa maagang pagtuklas ng mga sakit.
Ayon sa mga eksperto, maaaring may malubhang karamdaman ang isang tao kahit wala pang nararamdamang sintomas, kabilang ang mga tinatawag na “silent illnesses” na posibleng mauwi sa komplikasyon kung hindi agad matutukoy.

























