Malaki ang ibinaba ng kaso ng krimen noong 2025, batay sa tala ng Philippine National Police. Dahil dito, umaasa ang PNP na mapananatili at higit pang mapapababa ang crime rate ngayong 2026.
Upang maisakatuparan ito, naglabas na ng mahigpit na direktiba ang acting PNP chief sa mga pulis, na paigtingin ang presensya sa komunidad at ipatupad ang mas disiplinado at tuluy-tuloy na law enforcement operations.






















