Binalikan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang 12 scam schemes na karaniwang tumataas tuwing holiday season.
Ayon kay CICC Acting Executive Director Usec. Aboy Paraiso, mas agresibo at malikhain ang mga scammer sa panahong ito, kaya mahalaga na maging mapanuri ang publiko upang hindi mabiktima ng iba't ibang online modus.






















