Peke ang gamit na plaka at hindi pa rehistrado sa Land Transportation Office ang Ferrari na nakuha sa parking lot ng condominium unit ni dating Ako Bicol Party list Rep. Zaldy Co. Base sa isinawagang validation ng Philippine National Police Highway Patrol Group, ang plaka ay nakapangalan sa ibang indibidwal na may kaparehong model ng sasakyan.





















