Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang umano'y death threat na natatanggap ni Cebu Governor Pamela "Pam" Baricuatro.
Kaugnay nito, inatasan na ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga Intelligence unit ng PNP upang imbestigahan ang banta sa buhay ng gobernador.






















