Kontrolado na umano ang Nipah virus outbreak sa India.
Nagpapatupad naman ng mahigpit na health screening at airport surveillance ang ilang bansa sa Asya.
Bagama’t wala pang kumpirmadong kaso sa Pilipinas, naka-alerto ang DOH sa pagbabantay upang mapigilan ang pagpasok ng virus sa bansa.

























