Mariing itinanggi ng Philippine Navy ang alegasyon ni dating Congressman Mike Defensor na itinatago ng Philippine Marine Corps o PMC si retired Sgt. Orly Guteza, ang kontrobersyal na testigo sa pagdinig sa Senado sa maanomalyang flood control projects, kung saan sinasabi nitong naghatid siya ng mga maleta na may lamang pera sa bahay ni Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez.






















