Magsisimula na sa Lunes ang Balikatan Exercises sa pagitan ng pwersang militar ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kabilang sa tututukan sa pagsasanay ang pagpapalakas ng depensa laban sa drone warfare o pag-atake gamit ang unmanned aerial vehicles, kasabay ng pag-angkop sa mga bagong banta sa modernong labanan.






















