Maaaring makaranas ng paggalaw sa presyo ng bigas sa mga pamilihan sa mga susunod na araw o linggo.
Ayon kay Department of Agriculture Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, ito ay kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas sa international market na sinabayan pa ng pagdating ng imported rice sa Pilipinas.






















