Pinabulaanan ng Malacañang ang kumakalat na usapin sa social media hinggil sa umano’y pagkakasakit ng pangulo, kasabay ng paglabas ng video at mga larawan na nagpapakitang maayos ang kanyang kalusugan.
Kaugnay nito, iniulat na nag-iipon na ng ebidensya ang Presidential Communications Office para sa posibleng paghahain ng reklamo laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon.






















