Marami pa umanong isisiwalat si dating House Appropriations Panel Chairperson at nagbitiw na Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kaugnay ng anomalya sa pagsingit sa pambansang budget at flood control projects.
Iyan ang kabilang sa laman ng ikatlong video na ini-upload nito sa kaniyang social media page araw ng Linggo, November 16.
Kabilang sa inihayag nito ay ang pagtanggap umano ng nasa P56 billion na kickback nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker, Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.






















