Walang garantiya na ang bersyon ng House leaders na panukalang batas kontra political dynasties ang ipapasa ng Kamara, ayon sa House committee chairperson na mangunguna sa pagdinig ng mga legislative measure.
Inaasahan naman ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong na magkakaroon ng matinding talakayan sa mga panukalang batas dahil mainit ang isyung ito para sa publiko.






















