Wala umanong layon si Ombudsman Crispin Remulla na impluwensiyahan ang mga korte matapos niyang ihayag kamakailan na posibleng magkaroon na ng maaaresto sa flood control scandal, kabilang ang ilang senador, pagdating ng December 15. Ayon sa isang senador, delikado kung napapangunahan o naiimpluwensiyahan ng Ombudsman ang mga korte at kung nagmumukhang napapasunod ang mga ito sa nais na mangyari ng kanyang tanggapan.






















