Mamadaliin na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatapos ng mga ongoing at matagal nang nakatenggang proyekto ng pamahalaan, kabilang ang ilang ospital na sinuri ng ahensya ngayong araw.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, panahon na ring talikuran ang tinaguriang “tingi-tinging approach” sa pagpondo ng mga proyekto, na itinuturing na sanhi ng pagkaantala ng maraming konstruksyon.






















