Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa modular boxes muna titira ang mga pamilyang apektado ng lindol sa Davao Oriental.
Ayon kay PBBM, tila lalong nagpapahirap sa mga lumikas na pamilya ang pananatili sa maiinit at hindi komportableng tent, lalo na’t nawalan na sila ng mga tirahan bunsod ng naganap na sakuna.