Isang minor phreatomagmatic eruption ang naitala sa main crater ng Taal Volcano island kaninang alas-2:02 ng madaling-araw, Oktubre 1, 2025. Ayon sa Taal Volcano Observatory at Main Crater Observation station, nakunan ng thermal at IP Camera ang pagsabog na naglabas ng abo at usok na umabot hanggang 2,500 metro ang taas at napadpad patungong hilagang-kanluran.