Wala pang na-detect na aktibong kaso ng Nipah virus sa Pilipinas batay sa monitoring ng Department of Health.
Sa kabila nito, tuloy-tuloy ang pagbabantay at paghahanda ng health sector sakaling pumasok ang virus sa bansa.
Ayon sa Private Hospital Association of the Philippines (P-HAPI), itutulad na lang sa naging polisiya nila noong COVID-19 ang magiging pagtugon sa naturang sakit.

























