Dumalo sa isinagawang “Trillion Peso March” sa EDSA kahapon si Baguio City Mayor at Independent Commission for Infrastructure Special Adviser Benjamin Magalong.
Sa kanyang talumpati, inamin ni Mayor na labis siyang nagulat sa lawak at lalim ng korapsyon, partikular sa mga proyektong may kinalaman sa flood control ng gobyerno.