Aprubado na ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukalang P6.793-trillion national budget para sa susunod na taon.
Pagkatapos nito, itutuloy na ang bicameral conference committee meeting para pag-isahin ang bersyon ng Senado at Kamara.
Gayunman, ilang kongresista umano ang tumututol na i-livestream o ipakita online ang proseso habang isinasagawa ang naturang pagpupulong.






















