Maging ligtas sa pagluluto gamit ang kalan de kahoy!
Bagama’t tradisyon na sa ating mga probinsya ang paggamit ng kahoy sa pagluluto, hindi dapat isinasantabi ang panganib na dulot nito kung hindi mag-iingat. Alamin ang mga praktikal na safety tips upang maiwasan ang malawakang sunog at mapanatiling ligtas ang ating mga kusina at tahanan.






















