Nilinaw ng La Verdad Christian College (LVCC) Apalit at Caloocan branch na wala itong sinisingil na tuition, enrollment, o anumang bayarin sa mga scholar nito.
Iginiit din ng paaralan na hindi ito nag-aalok ng kursong Tourism Management at Hotel and Restaurant Management sa alinmang sangay nito.
Ayon sa pamunuan, may natanggap silang ulat tungkol sa isang indibidwal na nagpakilalang nagtapos sa nasabing mga programa, nagbayad umano ng tuition, at kalauna’y nabiktima ng online degree scam.






















