Patuloy na nilalabanan ng Cuba ang malawakang chikungunya outbreak habang humaharap din sa matinding kakulangan sa pagkain, malinis na tubig, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Umabot na sa 15 probinsiya ang impeksyon, at mahigit 47,000 ang naitalang bagong kaso ngayong linggo, ayon sa Health Ministry.

























