Magpapadala ng tulong ang China para sa mga mamamayan ng Iran, Jordan, Lebanon, at Iraq upang maibsan ang gutom, sakit, at iba pang hirap na dulot ng nagpapatuloy na krisis sa Middle East.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Lin Jian, layunin ng aid na suportahan ang mga apektadong populasyon.






















