Mariing itinanggi ng pamunuan ng St. Luke’s Medical Center na inilabas nila ang resulta ng medical tests ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kasunod ito ng umano'y pag-leak o pagkalat online ng kopya ng medical result ng Pangulo na may letter head ng nasabing pagamutan.

























