Tiniyak ng ilang kongresista ang suporta para sa Kalayaan 16, o ang 16 na opisyal ng Kalayaan Municipality sa Palawan.
Pinagbawalan ng China ang 16 na opisyal ng lokal na pamahalaan na makapasok sa kanilang bansa kasunod ng pagdeklara ng mga ito sa Chinese ambassador to the Philippines bilang persona non grata dahil sa umano’y intimidation sa Philippine maritime officials.






















