Muling nagpaalala ang Philippine Embassy sa United Arab Emirates na libre o walang bayad ang repatriation assistance ng pamahalaan ng Pilipinas.
Bilin ng embahada sa ating mga kababayan: huwag makipagtransaksyon sa pamamagitan ng third parties, agents o sinumang indibidwal na nag-aalok ng repatriation assistance kapalit ng pagbabayad ng kaukulang halaga.






















