Bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga vegetable trading center sa Benguet upang alamin ang hinaing ng mga magsasaka sa mababang presyo ng gulay kumpara sa mataas na production cost.
Tinalakay rin sa hiwalay na forum kasama ang Department of Agriculture ang panawagan na magtakda ng floor price sa ilang gulay gaya ng repolyo, kasabay ng mga hakbang para mapababa ang gastos sa transportasyon at produksyon.






















